Saturday, April 28, 2007

Sapagkat Pinipili ang Kaligayahan

same poem, tagalog translation.

i translated it more for the challenge than anything.
yes. it was a challenge for me.

thanks to ephy for the help.

-----

pagkakamali
ang lahat ay nagkakagulo
pagkalito, sakit, pait

tiis lang, tiis dahil kailangan

sugat
dahan dahan din 'yang gagaling
huwag mong hayaan, huwag mong dagdagan

hintay lang, hintay dahil kailangan

hinagpis
huwag magpaanod sa sakit
kapag nagpadala kay ay madadala ka talaga

tindig lang, tindig dahil kailangan

katanungan
napakagaling pa naman magtago ng mga kasagutan
hahanapin o hihintayin?

hawak lang, hawak dahil kailangan

bigat
di hamak na mahirapan ka
lahat sa mundo'y nahihirapan

laban lang, laban dahil kailangan

alalahanin
huwag kalimutan ang buhay
sa kamalasan at kasiyahan, kaliliman at tagumpay

pili lang, pili dahil kailangan

patuloy lang
huwag magpatalo sa mga pagsusubok
habulin ang kaligayahan

at mag-ingat--sa lahat ng bagay, mag-ingat.